Skip to content
Site Tools
Narrow screen resolution Wide screen resolution Auto adjust screen size Increase font size Decrease font size Default font size default color blue color green color
You are here: Home arrow Counseling arrow From the desk of Father Angel arrow Pag-iipon sa Singapore
Pag-iipon sa Singapore

Dear Father Angel,

 

Hi! Hello po Father Angel, sana po sa oras na ma-received ninyo ang letter ko ay maganda at malakas ang inyong katawan at kalusugan. Kumusta na po kayo? Father, kaya po ako sumulat sa inyo ay para manghingi ng advice kung tama po ba o mali ang aking decision, nais ko po sanang ipunin ko nalang dito ang sasahurin ko, dahil may pangarap po akong makapagpatayo ng maliit na negosyo pagbalik ko sa Pilipinas at makapundar ng bangka at motor ng tatay ko. Kaya lang po, ang gusto ng mother ko ay ipadala ko kada buwan ang sahod ko. Hindi raw maganda ikung dito ko ipunin ang kita ko. Father, papaano na ang pangarap kong magnegosyo, kung lahat ng kita ko ay ipapadala ko sa family ko.

 

Father, ako nalang po kasi ang walang asawa, ang bunso namin ang unang nagasawa at may isa ng anak.Ang panganay naman po namin kakakasal lang noong January. Nakakatulong din naman po ako kahit papaano. Ang pangalawa ko pong kapatid ay nasa heaven na! Father, nag birthday po ako nong March 10, biente siete na po ako, ayoko pong tumanda na walang naipundar sa sarili ko. At hindi pa po ako nakatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa akin, kaya wish ko na sana yong ibibigay sa akin ni Lord na makasama sa habang buhay ay hindi ako paluluhain.

 

Anyway father, lubos po akong nagpapasalamat sa inyo dahil pinadalhan ninyo ako ng OFW Pinoy Star Magazine, salamat din po sa friend ko dito na nagpahiram ng magazine, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko po kayo nakilala at nakita kahit sa picture lang. Gusto ko nga po kayong makita ng personal, kaya lang wala po akong day-off, nagpray  ako kay Lord, kinakausap ko siya lalo na sa tuwing nalulungkot ako, upang gabayan niya ako tulad ng pag-gabay niya sa lahat. Palagi ko pong binabasa ang column ninyo sa OFW Pinoy Star  Magazine, dahil nakaka relate ako sa mga advice ninyo na tulad

kong sawi sa pag-ibig, kahit paano po, nababawasan ang pagka homesick ko,sana po marami pa kayong mapasaya, happy ako noong narinig ko ang voice ninyo sa telephone. Hindi ako makapaniwala na ka-usap ko na kayo! Kahit patago lang sa mga amo ko ng tinawagan ko po kayo. Maraming salamat po at binigyan ninyo ako ng time.

 

Hanggang dito nalang po muna ang letter ko father. Sana po mabigyan ninyo ako ng advice kung tama ba o mali ang decision ko na dito ko nalang ipunin ang sahod ko at  hindi ko na ipapadala sa family ko. Para rin naman po sa kanila ang gagawin kong  plano. At sana po, maunawaan  ako ng parents ko sa ginawa kong decision. Maraming salamat po. Father, more power and God bless you always …

 

MABUHAY!

P.S. Father, iipunin ko po ang padadala ninyong OFW Pinoy Star Magazine hanggang sa paguwi ko ng March 2010. Dadalhin ko po sa Pilipinas.  Thank you again.

 

Lubos na gumagalang,

Roma M. Roman

Orani, Bataan

 

Minamahal na Roma,

 

Tama ang iyong ginawa at napagpasyahan. Ito ang aking formula para sa OFW, lalo na iyong may pamilya. Ang unang taon ay pagbabayad ng utang, ang ikalawang  dalawang taon ay kalahating sahod sa patuloy na pagbabayad ng utang o tulong na sa pamilya, at ang ikalawang huling taon ay pagiipon ng buo. Anim na taon lamang ang pinakamatagal na dapat na ilaan ng OFW. Ano mang labis dito ay tiyak na masama ang idudulot sa pamilya. Anim na taon na hiwalay sa asawa at mga anak ay tiyak na hindi magbubunga ng mabuti para sa lahat. Mabuhay ka sa tamang pagpapasya mo na magipon.

 

Bumabati!

Fr. Angel, CICM

 
Next >
Advertisement