Counseling
From the desk of Father Angel
Amo ang nagtatago ng Savings Account | Amo ang nagtatago ng Savings Account |
|
Everdearest father Angel, First of all I would like to greet you a pleasant day and I hope that you are in a good health, Hihingi po ako ng advice. Isa po ako sa masugid na bumabasa ng inyong column at salamat at mayroong OFW Pinoy Star Magazine. This is my first time to work overseas, ten (10) months working here as DH, I am 24 yrs old may asawa, sons pero di pa kasal. Father, tama po ba na itago ng amo ko ang savings account ko,at ipaalam kung saan ko po dinadala ang sahod ko at kung ano ang mga binibili ko? masyadong sakal ako sa leeg, sa pamamagitan ng personal things ko, bakit kailangan pa nilang itago ang savings account ko? Father, ano po ang dapat kong gawin sa ugali ko, Una napakasensitive, masyado kong dinidibdib at iniisip pag may narinig akong masakit na salita. Pangalawa, kapag may gusto akong sabihin sa mga amo ko ay hindi ko nagagawang sabihin sa kanila, para bang nauunahan ako ng takot sa dibdib at negative thinking. Minsan ang lakas ng loob kong sabihin lahat ng mga gusto ko, Hindi ko nauumpisahang magsalita sa kanila? Pero, tumutulo na ang luha ko, Pangatlo, kung may ayaw ako sa isang tao ay ipinapakita ko na galit ako. Ganito po ba talaga kung walang magulang na gumabay? Two years old po ako noong maghiwalay ang aking mga magulang, tumira po ako sa mama ko nong 2-yrs -15 years old po ako, sa kadahilanan hindi ko makasundo ang stepfather ko at ang mama ko ay laging nasa ibang bansa. Napilitan kong hanapin ang father ko at sa awa ng Diyos ay natagpuan ko rin ang father ko. Tumira ako sa kanya from 16-yrs old until nakapag-asawa. Mabait po ang aking father, tumanda na hindi na nag-asawa muli, walang trabaho. Kaya nag-decide po akong magtrabaho dito una para sa mga anak ko at sa father ko,wala na kasing ibang tutulong sa kanya, ako na nag-iisang anak niya. Father, umaasa po ako na mabigyan ninyo ng kasagutan ang aking problema, gusto ko rin pong irequest sana sa inyo na padalhan ninyo po ako ng OFW Pinoy Star magazine. Nabibilang din po ako sa mga domestic helper na karamihan walang day-off. Hinihiram ko lang po ang magazine sa isang kaibigan ko. Sana po ako ay mapagbigyan ninyo. Itago ninyo na lang po ako sa pangalang Shaira- 03 from Nueva Vizcaya. Lubos na gumagalang, Shaira-03 Minamahal na Nagsasaving, Wala naman sigurong masama kung malaman ng iyong amo na ikaw ay may naiipon. Tama na ito ay karapatan mo na ikaw lamang ang nakakaalam. Ang mahalagang bagay ditto ay may tiwala ka ba sa yong mga amo? Sila ba ay may tiwala sa iyo? Kung ikaw ay itinuturing na kapamilya, tiyak na walang masama na malaman nila at ikaw ay tutulungan pa nga nila. Tungkol sa pagiging sensitive, lagi mo na lamang idadasal na ang masasamang salita ay binibigkas lamang ng mga taong hindi alam ang kanilang ginagawa. Ang pakikipagusap sa mga amo na hindi mo magawa at medyo naiiyak ka pa, ito’y nagpapatunay na takot pa at hiya ang namamayani sa iyong buhay. Subukan mo na munang pagbutihin ang iyong gawain at kapag nagustuhan ka nila ay madali kang makapagsasalita. Bilang huli ay marami ka pa ngang sugat na pagagalingin dahilan sa hiwalayan na iyong kinalakihan. Mag-aral ka sa iyong karanasan at sa pamumuhay mo dito nawa ay ituring mo itong panibagong simula. Bumabati! Fr. Angel, CICM |
| < Prev | Next > |
|---|
| Home |
| Archives |
| Events |
| Counseling |
| Photo Gallery |
| She's My Girl |