Counseling
From the desk of Father Angel
Suliranin sa lupa | Suliranin sa lupa |
|
Dearest Father, May God bless you always. Sumulat ako sa inyo upang humingi ngpayo. Ang problema ko po ay ang lupa namin. Kami ay nagbabayad ng tax every year pero iba po ang nagsasaka. Sangla daw ito at nabili na daw sa mga magulang namin. Ngunit wala naman kasulatan o patunay na nabili na nila dahil pumanaw na po ang mga magulang namin. Ano po ang gagawin namin dahil gusto daw itransfer ang titulo ng lupa sa nasabing nakabili? Kung hindi daw po kami pumayag ay baka humantong daw kami sa korte ngunit wala naman silang papeles na ipinakikita. Marahil ay mayroon ng mahigit na 25 years na sila nagsasaka ngunit kami naman ang nagbabayad ng tax. Kinuha nila sa amin ang land title sa kadahilanang para daw sa kanila iyon. Father, please payuhan ninyo po ako para ipadala ko sa aking asawa at kung ano po ang aming gagawin.Wala po kaming pambayad sa korte. Ako po ay taga Ilocos Sur. Thank you so much! Umaasa ng katugunan, Bella Minamahal na Bella, Kung kayo ang nagbabayad ng buwis ay kayo ang may karapatan sa lupa. Ang iyong asawa ang dapat na humarap sa suliraning ito dahil siya ang nasa Pilipinas.Hindi natin dito sa Singapore malulutas ang suliraning ito. Hindi maari na hindi kayo dumaan sa korte dahilan sa masalimuot ang inyong kaso. Bago ka lamang pumirma ng kahit na ano ay tiyakin mong nauunawaan mo ang iyong pinipirmahan. Subalit ano mang maiipon natin dito sa Singapore ay malaki ang maitutulong sa paglutas ng kasong ito. Kaya’t habang naririto ka ay mag-ipon ka ng mabuti. Pag-uwi sa Pilipinas ay saka ka makipaglaban para sa iyong karapatan. Bumabati! Fr. Angel, CICM |
| < Prev | Next > |
|---|
| Home |
| Archives |
| Events |
| Counseling |
| Photo Gallery |
| She's My Girl |